Song “Migz Haleco: Nakuha Mo Pang Magalit Lyrics” from Migz Haleco Lyrics album:


Noo’y tinatanong pa lang kita kung sino siya
Ang sabi mo, siya ay kaibigan lang
At dahil nais kong umiwas ka sa kaniya
Ang hirit mo agad, ika’y nasasakal
Kaya hanggang ngayon, ‘di maisawang magtaka
Ako’y biglang iniwan mo’t ikaw ngayo’y nasa piling niya

At nakuha mo pang magalit
Eh ikaw na nga itong nakasakit
Sa dami ng aking mga tanong
Sagot mo ay “bakit,” “basta,” at “ewan”
Ang kapal mo naman at
Nakuha mo pang magalit

Nilihim mo sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya
Akala ko sa akin ika’y tapat
Kaya’t kahit anong pagsisikap ang aking gawin
Lahat ng ‘yon, sadyang wala nang halaga
Kaya hanggang ngayon ‘di maiwasang magtaka
Ako’y biglang iniwan mo’t ikaw ngayo’y nasa piling niya

At nakuha mo pang magalit
Eh ikaw na nga itong nakasakit
Sa dami ng aking mga tanong
Sagot mo ay “bakit,” “basta,” at “ewan”
Ang kapal mo naman at
Nakuha mo pang magalit

Ika’y hindi man lang nagpaliwanag
Gusto ko lang naman malaman kung bakit
Ako’y iniwan mo ng ganun-ganun na lang

At nakuha mo pang magalit (magalit)
Eh ikaw na nga itong nakasakit (nakasakit)
Semento ba ‘yang nasa ‘yong mukha
Ikaw pa ngayon ang nagwawala
Oh, ang tigas mo naman at nakuha mo pang magalit

Migz Haleco: Nakuha Mo Pang Magalit Lyrics from Migz Haleco Lyrics

Migz Haleco: Nakuha Mo Pang Magalit Lyrics Lyrics are property and copyright of their owners. Migz Haleco: Nakuha Mo Pang Magalit Lyrics from Migz Haleco Lyrics only provided to serve for educational purposes and personal use.

Share Song Migz Haleco: Nakuha Mo Pang Magalit Lyrics and get comment bellow:

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here